99thornlessredroses wrote:doaoc07 wrote:TO DASHIE WHEREVER YOU ARE! DINUGO AKO SA TAGALOG MO! dahil SA NANGAWAY SAYO SA PEX XDDDD
- Spoiler:
Sa totoo lang, pagkatapos ng matagal na pagninilay-nilay, ang masasabi ko lang ay nalulungkot sa nangyari.
Una, kasi umabot pa sa ganito. Sana nadaan sa maayos at matiwasay na pag-uusap. Sa tingin ko naman, hindi ako < o kaya si aya > mahirap kausapin, kaya sana naging maayos ang kinalabasan kung naiparating mo lamang sa amin ang iyong saloobin. Kung nagkaganon, sana naiwasan ang bangayan at masamang salitaan. Ang mga ganitong di pagkakaintindihan at hinanakit ay hindi ko ninanais at ayokong magpatuloy pa.
Pangalawa, kasi sa akin palagay, wala naman ako o kaya si ayang nagawang karimarimarim na karapa't-dapat pagtaniman mo ng poot at galit. Inuulit ko, sa aking sariling opinyon, wala akong ginagawang masama. Subalit hindi ko sinasabi na walang basehan ang paghihimutok mo. Reaksyon mo yan na ninanais kong igalang at intindihin. Marahil kasi, iba ang aming kinalakihan kesa sa iyo, kumbaga, iba ang mundo namin kung ikukumpara mo sa iyo at marahil din, ito ang rason kung bakit hindi mo nasasakyan ang mga munting biro. Samakatwid, taas noo kong sinasabi na sa aking palagay, wala kami nagawang masama. Hindi na naming kasalanan kung hindi mo naiintindihan na ang mga bagay-bagay na aming pinag-uusapan ay pawang pangkatuwaan lamang, na sa aking palagay ay naiintindihan ng karaminhan dito. Sa katunayan, iniiwasan kong banggitin ang mga bagay-bagay na sa tingin ko ay sensitibo at hindi karapa't-dapat bangitin. Kung mapapansin mo, madalas ay puro pasaring lamang ang aking ginagawa. Ito ay sinasadya ko, upang mabigyan ng pagkakataon ang mambabasa ng sariling interpretasyon sa ang aking nailathala. Kung sa tingin mo, ang aking mga "posts" ay bastos, ito ay marahil bastos ang iniisip mo. Datapwa't hindi ako nagmamanilis, at hindi ko rin sinasabing wala akong intensyong seksual sa aking mga "posts". Ang aking gustong ipahayag ay ang pagiging bastos at madumi ng nilalaman ng aking mga "posts" ay dahil na rin sa pakahulugan mo sa mga salita na ginagamit ko. Ang nais ko lang sana, naisip mo na ang mga "double meaning" na "posts" ko ay hindi mahalay kung hindi mo ito pakahuhulugan ng bastos. Kaya nga't laking dismaya ko nang malaman na hindi ka pala bukas sa mga ganitong usapan.
Pangatlo, kung ang ipinaghihimagsik ng kalooban mo sa amin ay ang pagiging pilya namin lalo na sa aming mga pag-uusap, ang tanging masasabi ko lamang dito ay... hindi ka naman namin pinipilit na basahin mo ang mga ito. Tama si aya, kaya nga may karapatan kang baliwalain ang aming mga "posts". Para sa akin, ito ay hindi isang kawalan bagkus isang mainam na paraan upang mamuhay tayo ng matiwasay sa mga "threads" na ating sinusuportahan. Ngayon kung ang problema mo naman ay ang pagkakasangkot nila Kao, Charlie, Mario atbp sa aming mga pilyang usapan... natural sila ang pag-uusapan namin dito, kasi "thread" nila ito. Sila ay mga artista at hindi makakaila na sila ay parte na ng publiko, kaya't sa akin opinyon hindi masama kung napag-uusapan namin sila. Kung nagagalit ka, at ayaw mo silang pag-isipan ng malaswa, iminumungkahi ko na sa "Thai Press" ka magreklamo. Dahil ang usapan at mga haka-haka namin, ay madalas nanggaling din sa "Thai Press". Gaya na lamang nung isyu tungkol kay Charlie at Kao. Kanino ba namin nalaman na maaring pag-isipan ng masama ang kanilang pagkakaibigan, kundi sa "Thai Press" din? Kung ayaw mo talaga silang mapag-usapan ng kung anu-ano dito sa PEx, sabihin mo sa kanila tumalikod sa kinang at maging isang pribadong mamamayan na lamang. Tignan lang natin kung putaktihin pa sila ng intriga.
Sa huli nais ko sana, isang tabi na natin ang nakaraan, limutin ang di pagkakaunawaan. Ngunit, kung sa iyong palagay hindi ito karapa't-dapat at hindi mo maatim na makisalamuha sa amin, wala kaming karapatan na pilitin ka. Sa aking palagay dahil dito, wala kang ring karapatan na tuligsain kami, upang maipapahayag namin ang nais namin, sa paraang gusto namin.
gosh. i never knew my mommy was so deep.
sikat na talaga si dash...
daming nag aaway sa kanya
anyway,nicca d2 lang kami nakaantabay kmi para sa inyo...
GO2!!fyt2!!for d Win!!