pag friday kasi, 8 am ang pasok ko dahil sa lintik na paimportanteng NSTP. e minsan (if you have noticed) inaabot ako ng madaling araw sa kakainternet. haha. and so, pagdating ng umaga tulog pa rin ang atay ko kahit 7:30 na.
at last week, friday, an accident happened. nagalarm ako ng 5:30. fully charged ang phone ko kaya imposibleng hindi ako magising. kaya ang himbing himbing ng tulog ko. walang pinoproblema. and after a few minutes, narinig ko yung intro ng duang tawan. sarap na sarap ako sa tunog nung saxophone. grabe, feeling ko habang natutulog ako sumasayaw ako. hahaha! tapos narinig ko na yung boses ni pchy, joe, etc. at nung natapos na yung kanta. umulit pa siya ng isa pa. and this time, kasama na ako sa pagkanta. and woah. O_O
kasabay ko si pchy. ang saya-saya ko grabe. parang natanggal lahat ng problema ko. pero everything ended nung magising ako. bakit? 7:30 na! nagaalarm yung phone ko for 2 hrs straight! hindi ko man lang namalayan kasi ang saya kasama ng august. haha! feeler!
pero ayun nga. kung hindi kumanta ang august ng sunshine, hindi ako magigising. at nung nagising pa ako nun, hindi ako nagpanic kagad. parang yung bad vibes hindi umeepekto sa kin. rinig na rinig ko pa rin yung tune ng duang tawan. at nakangiti pa akong nagpunta ng cr para maligo. habang naliligo nakanta pa ko! hahaha! parang hindi malelate e no.
well that's it guys. hope you enjoyed reading. grabe talaga yung experience na yun. ginising ka ng august para hindi malate. woo!